Bruce-Dickinson

LONDON (AP) — Kinumpirma ng Iron Maiden na ang singer na si Bruce Dickinson ay nagpapagamot upang labanan ang cancer sa dila, at umaasang gagaling kaagad.

Ibinahagi ng nasabing banda sa kanilang website noong Huwebes na nalaman ang sakit ng singer nang siya ay komunsulta sa doktor noong Disyembre, at sumailalim sa chemotherapy at radiotherapy sa loob ng pitong linggo.

Sinabi nitong “extremely good,” ang pagpapagamot at umaasa ang mga doktor ng singer na makababawi ito ng lakas, “with the all-clear envisaged by late May.”

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Si Dickinson, 56, ay kabilang sa British metal megastars noong 1980, at isa ring commercial airline pilot. Ang ilan sa mga sumikat na kanta ni Dickinson ay ang Run to the Hills at The Number of the Beast.