Plano ng gobyerno na i-adjust ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 upang bigyang-daan ang mga kinakailangang pagkukumpuni sa abala at luma nang riles tuwing weekend.

Sinabi ni MRT General Manager Roman Buenafe na una niyang ipinanukala na isara ang mass transit system nang isang buong araw upang maipatupad ang maghapong rehabilitasyon, partikular ang pagpapalit sa mga lumang riles.

“Pero sinabi ni Secretary Joseph Emilio Abaya na malaki ang magiging perhuwisyo ng maghapong tigil-operasyon ng tren, kaya sinabi niyang pag-aralan na lang ang posibilidad na magpatupad ng maagang pagsasara tuwing Sabado at tanghali nang pagbubukas sa Linggo,” ani Buenafe.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado