BATANGAS - Mahigit 20 katao na pawang may warrant of arrest sa magkakaibang kaso ang naaresto ng mga awtoridad sa dalawang araw na operasyon sa iba’t ibang bayan sa probinsiyang ito.

Nagbigay ng direktiba si Batangas Police Provincial Office director Senior Supt. Omega Jireh Fidel na paigtingin ang kampanya ng pulisya sa pagtugis sa mga may pananagutan sa batas.

Pinalakas din ang puwersa ng pulisya sa Oplan Lambat Sibat, at 12 ilegal na armas ang nakumpiska.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na