44th Annual Grammy Awards - Arrivals

BILOXI, Mississippi (AP) — Kinasuhan ang rapper na si Afroman  sa panununtok ng isang babaeng tagahanga sa entablado habang siya ay nagtatanghal, ayon sa pulisya.

Si Afroman, na sumikat dahil sa Grammy-nominated hit na “Because I Got High,”  ay inaresto noong Martes ng gabi at ang kanyang show sa Biloxi ay nakansela. Siya ay pinalaya matapos mag-post ng $330 bond, ayon sa Biloxi Police Chief na si Chief John Miller.

Sa video na ibinahagi sa Internet ay makikitang sumasayaw ang isang babae katabi si Afroman habang naggigitara at sinusuntok ang babae.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Ang 40 taong gulang na rapper, na ang tunay na pangalan ay Joseph Foreman, ay humingi ng paumanhin gamit ang kanyang Facebook. Ipinaliwanag niyang akala niya ay umalis na sa entablado ang lalaking umakyat, at noong dumating ang isang babae ay inakala niyang ‘yon pa rin ang lalaki.

“I thought it was that guy,” paliwanag niya.

“I had my frustrations to make a long story short,” pahayag ni Afroman sa TMZ.

Ayon sa may-ari ng pinagdausan ng pagtatanghal na si Chase Taylor, napilitan silang itigil ang concert.

 “Afroman was about five songs into his set when the incident occurred. We pulled the plug on him, and security met him at the bottom of the stage to escort him outside, where he was taken into custody,” pahayag ni Taylor.