OKLAHOMA CITY (AP) – Ipinagpatuloy ni Russell Westbrook ang kanyang naumpisahan sa nagdaang All-Star Game.

Sa kanyang unang laro mula nang hiranging All-Star Game MVP, nagtala si Westbrook ng 34 puntos at 10 assists upang tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Dallas Mavericks, 104-89, kahapon.

‘’Just trying to find my spots, just trying to find a way to be aggressive at all times, in attack mode.’’ aniya. ‘’Keep putting pressure on the defense. That’s my job.’’

Nagtapos si Serge Ibaka na may 21 puntos kasama ang career-high na 22 rebounds habang nagdagdag ang reserve guard na si Anthony Morrow ng 16 puntos para sa Thunder, na naipanalo ang anim sa kanilang huling pitong laro. Sila ay umangat upang tumabla sa ikawalong puwesto sa Phoenix sa Western Conference.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

‘’We can’t look at the standings after every win, after every loss,’’ lahad ni Thunder Kevin Durant. ‘’We’ve just got to keep playing. We’ve got 28 games left. We’ve just got to focus on those. Just continue to trust in the process and everything will be all right.’’

Gumulong ang Thunder sa kabila ng 12 puntos lamang na ambag ni Durant sa loob ng 37 minuto. Patuloy siyang nakakaramdam ng pananakit sa kanang paang na-injure sa pag-uumpisa ng season.

“‘It’s tough, but I’ll figure it out,’’ sabi niya. ‘’I’ve just got to get through it, just keep getting treatment. Talk to the trainers tomorrow and see what we can do to make it better. We’ll see.’’

Gumawa si Dirk Nowitzki ng 14 puntos, habang naglista si Tyson Chandler ng 10 puntos at 13 rebounds para sa Mavericks, na nakakuha ng season-low na 36.3 porsiyento mula sa field. Ang point guard ng Dallas na si Rajon Rondo ay nagbalik makaraang ang anim na larong pagliban dahil sa napinsalang buto sa mukha. Nagtapos siya na may limang puntos at anim na assists sa loob ng 30 minuto.

Outrebounded ng Oklahoma City ang Dallas, 62-39.

‘’I feel like for us, we’ve got to walk away with games feeling good about them, win or loss, and I don’t feel good about this loss,’’ saad ni Chandler.

Si Westbrook ay mayroon nang 26 puntos at siyam na assists sa pagtatapos ng third quarter upang tulungan ang Thunder na kunin ang 83-65 na bentahe.

Nakalapit ang Dallas sa 10 sa 3-pointer ni Al Farouq-Aminu sa pagbubukas ng fourth period ngunit hanggang dito na lang ang nakaya ng Mavericks.

‘’We started arguing a little bit too much with ourselves instead of just playing and competing,’’ ayon kay Nowitzki. ‘’Coming out of the break, sometimes, it’s tough. I just felt like we were just sloppy.’’