Isang RBI (Run Batted In) double sa gawing kaliwa ng field ang hinataw ni Mikael Herrera sa ilalim ng 9th inning para maiangat ang University of the Philippines (UP)  9-8 kontra sa dating  unbeaten leader na Ateneo sa pagpapatuloy ng  UAAP Season 77 baseball tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Mayroon nang dalawang outs at nakatungtong ng first base ang kakamping si John Christopher Pantan, hinataw ng Herrera ang naturang  winner kontra kay rookie pitcher Paolo Macasaet upang giyahan ang  Fighting Maroons sa ikaapat nilang panalo sa loob ng walong laro habang ipinatikim naman nila sa Blue Eagles ang una nilang talo kontra pitong panalo.

Sa iba pang laban, umangat ang De La Salle University  sa kartadang 6-2 panalo- talo sa pamamagitan ng  11-5 panalo Laban sa  Adamson University,na bumagsak naman sa barahang 1-7, panalo-talo.

Sa softball, nagposte naman ang  De La Salle ng  10-0 four-inning na panalo kontra  Ateneo, habang ginulantang naman ng National University ang  University of Santo Tomas, 9-3 at namayani naman ang  UP laban sa  University of the East (UE), 8-2.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Ang panalo ang ikalima ng Lady Archers sa pitong laban na nagpanatili sa kanila sa ikalawang posisyon sa likod ng defending champion at unbeaten Adamson University (6-0) na nanaig naman kontra Ateneo, 4-3.

Ang kabiguan ang ikapitong sunod para sa DLSU habang sumalo naman ang  NU sa UE at  UST sa ikaapat na puwesto sa kartadang 3-4.