Isang RBI (Run Batted In) double sa gawing kaliwa ng field ang hinataw ni Mikael Herrera sa ilalim ng 9th inning para maiangat ang University of the Philippines (UP) 9-8 kontra sa dating unbeaten leader na Ateneo sa pagpapatuloy ng UAAP Season 77 baseball tournament sa Rizal Memorial Stadium.
Mayroon nang dalawang outs at nakatungtong ng first base ang kakamping si John Christopher Pantan, hinataw ng Herrera ang naturang winner kontra kay rookie pitcher Paolo Macasaet upang giyahan ang Fighting Maroons sa ikaapat nilang panalo sa loob ng walong laro habang ipinatikim naman nila sa Blue Eagles ang una nilang talo kontra pitong panalo.
Sa iba pang laban, umangat ang De La Salle University sa kartadang 6-2 panalo- talo sa pamamagitan ng 11-5 panalo Laban sa Adamson University,na bumagsak naman sa barahang 1-7, panalo-talo.
Sa softball, nagposte naman ang De La Salle ng 10-0 four-inning na panalo kontra Ateneo, habang ginulantang naman ng National University ang University of Santo Tomas, 9-3 at namayani naman ang UP laban sa University of the East (UE), 8-2.
Ang panalo ang ikalima ng Lady Archers sa pitong laban na nagpanatili sa kanila sa ikalawang posisyon sa likod ng defending champion at unbeaten Adamson University (6-0) na nanaig naman kontra Ateneo, 4-3.
Ang kabiguan ang ikapitong sunod para sa DLSU habang sumalo naman ang NU sa UE at UST sa ikaapat na puwesto sa kartadang 3-4.