Pebrero 21, 1804 nang isapubliko ni Richard Trevithick (1771-1833) ang unang steam-powered railway locomotive sa mundo, matapos ang matagumpay na trial.

Tumatakbo sa layong siyam na milya kada oras, nagawa ng tren na humila ng 10 tonelada ng iron at magsakay ng 70 katao sa Merthyr Tydvil, South Wales sa Australia. May single vertical cylinder, isang eight-foot flywheel at mahabang piston-rod, nagtungo ang tren sa cast-iron rails sa Penydarren Tramroad.

Gayunman, tatlong beses lang bumiyahe ang tren. Inakala ng amo ni Trevithick na hindi kaya ng self-propelled steam engine na mapababa ng pasahe dahil sa pinsala ng tren. Maaari ring magkaproblema kapag nagkadikit ang iron wheels sa iron nails.

Taong 1814 nang gawin ni George Stephenson, katuwang ang kanyang anak na si Robert, ang unang practical steam locomotive. Binuo nila ang locomotive “Rocket,” na ginagamitan ng multi-tube boiler, noong 1829.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte