KAYA pala maraming shows ang kilalang TV host/singer dahil mahilig itong dumikit sa mga boss ng programa at network.

Mismong kaibigan ng TV host/singer ang nagbuking na parating may show ang kaibigan niya dahil panay ang ungot nito sa mga bossing ng programa at sa mismong big boss ng network.

At kapag nabigyan na ng project ay nagreregalo si TV host/singer bilang kapalit sa mga pabor na hiniling niya.

“Minsan, dinner-dinner, minsan lunch-lunch ‘pag may time, kadalasan me regalo o pasalubong kapag galing ng ibang bansa.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“In fairness ay nakaka-deliver naman si _____ (TV host/singer) kaya hindi rin naman siya matanggihan din (na bigyan ng show), kaya lang hindi nagri-rate na ang mga show kasi may ibang gusto na ang viewers. Kaya hindi rin naman niya kasalanan kapag nawawala na sa ere ang mga programa niya,” kuwento ng kaibigan ng bida sa blind item natin ngayon.

In fairness ay magaling naman talaga si TV Host/Singer, at sa katunayan ay gustung-gusto namin ang karamihan sa mga kanta niya. Siguro nga dumating na ang panahong hindi na siya sikat.

Dapat siguro’y i-revive niya ang Ocean Deep na kung kantahin ng mga salbahe ay La Ocean Deep daw.