Idinaraos ang Pebrero 21 ng bawat taon sa buong daigdig, kabilang ang Pilipinas, bilang International Mother Language Day (IMLD), na nilikha ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) upang ipalaganap ang cultural diversity at multilingualism, at ikalat ang mother tongues para maging inspirasyon ng pagkakaisa base sa pag-uunawaan, pagbibigayan, at diyalogo. Nananawagan ang UNESCO sa mga gobyerno na “preserve and protect all languages, including endangered languages, used by peoples of the world”.

Tema ng IMLD 2015, na ika-16 sa pagdaraos mula 1999, ang “Inclusion In and Through Education: Language Counts”. Ipinagdiriwang ang pamana at wika ng bawat kultura, lumilikha ang IMLD ng kamalayan sa mother tongues upang himukin ang pagkakaiba-iba ang magdulot ng inspirasyon sa sambayanan na mag-aral ng isa ng bagong wika. Ito ang panahon upang alamin ang kanilang mga kultura at mga wika, pati na rin ang kahalagahan ng pagpreserba ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa loob at labas ng silid-aralan.

Kabilang sa mga aktibidad ng IMLD ang multi-cultural festival, mga talumpati at lektura tungkol sa kahalagahan ng mother toungues sa mga paaralan, at mga pagtatanghal na pangkultura tulad ng pelikula, dula, at musika sa iba’t ibang wika.

Hinihimok ng UNESCO ang sambayanan na alamin ang kanilang inang wika pati na rin ang pag-aralan at paggamit higit pa sa isang wika (multilingualism), nagsasabing, “Languages are most powerful instruments to preserve and develop tangible and intangible heritage; they contribute to attainment of quality education, build inclusive knowledge societies, preserve culture and tradition, build a better world and a life of dignity for all.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng dakilang statesman, si dating South African President Nelson Mandela, na “If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his language, that goes to his heart”.

Nagbabanta ang globalisasyon sa mga wika. Kapag naglaho ang mga wika, gayundin ang mayamang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig, ayon sa UNESCO, na nagsabing mahigit 50% ng 7,000 wika sa buong daigdig ang maaaring mawala sa loob ng ilang henerasyon, at 86% ng mga wikang ito ang binibigkas ng halos 4% ng populasyon ng daigdig. Iilang daan lamang na wika ang binibigyan ng lugar sa mga sistema ng edukasyon at sa public domain, at kakaunti pa sa sandaan ang ginagamit sa digital world, ayon dito.

Mandato ng K-to-12 Law ang paggamit ng mother tongue-based multilingual education sa mga paaralan sa Pilipinas. Ginagamit ng mga mag-aaral ang wikang ginagamit nila sa kanilang tahanan sa mga aralin at sa mga talakayan sa loob ng silid-aralan. Gumagamit ang multilingual education ng higit sa dalawang wika para sa literacy at pagbibigay ng panuto. Nangangahulugan ito ng pag-aaral bumasa at sumulat sa mother tongue o sa katutubong wika ng rehiyon. Ginagamit ang 12 pangunahing wika sa Pilipinas upang mapaangat ang literacy at pagtuturo: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausog, Maguindanaoan, Maranao, at Chabacano.