MAYANTOC, Tarlac - Humingi ng katarungan ang isang overseas Filipino worker na pasyente ng cancer na iniwan ng kanyang asawang US immigrant para ibahay ang kasintahan nito sa Barangay Caarosipan Palimbo sa Camiling, Tarlac

Inireklamo sa himpilan ng Mayantoc Police si Arthur Riparip, 32, ng Bgy. Poblacion Sur, Mayantoc, na labis umanong nahalina sa ganda ng isang 27-anyos na dalaga na ibinahay na niya bagamat walang kaalam-alam ang asawa ni Riparip, na nakabalik na sa Pilipinas noon Disyembre 2014.

Nadiskubre lang ng asawa ng suspek ang pagtataksil ng huli nang may mag-text dito at ibinigay ang eksaktong address ng tinutuluyan ng suspek at ng kinakasama nito na nagpositibo naman.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) laban kay Riparip.

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama