Ang pag-eehersisyo ay isa sa pinakamaiinam na maaari mong gawin para sa iyong sarili, hindi lamang para sa iyong pisikal na pangangatawan kundi pati na rin sa iyong isipan. Narito pa ang ilang dahilan kung bakit dapat kang mag-exercise para na rin sa kalusugan ng iyong isipan:

  • Nagpapatibay ng kumpiyansa sa sarili. - Bukod sa pagkabalisa, karaniwan ang pagkakaroon din ng mababang self-confidence. Hindi itatanong sa iyo ng treadmill o jumping rope kung ilang taon ka na kaya huwag mahiya sa paggamit ng mga iyon upang magpapawis. Alam mong sumisipa na ang iyong endorphins kapag nakadama ka na ng kasiyahan sa iyong pag-eehersisyo at magiging masaya at masigla ka buong araw. Ang pag-eehersisyo ng ilang beses sa isang linggo ay magdudulot sa iyo ng pakiramdam ng mas matibay na kumpiyansa sa iyong mga abilidad at mas pahahalagahan mo ang iyong sarili.
  • Labanan ang kalungkutan. - Habang mainam na lugar ang gym para mag-exercise, ang pag-eehersisyo sa labas ay napatunayan sa mga pag-aaral na nagpapaganda ng ating mood at nag-uudyok ng kaligayahan. Alamin ang outdoor exercise na babagay sa iyo. Maaari kang maglakad, mag-jogging o mag-jumping rope sa liwasan. Ang kainaman pa ng pag-eehersisyo sa labas bukod sa pagpapababa ng stress levels ay may libreng Vitamin D mula sa sinag ng araw sa umaga na nakatutulong magpagaan ng pakiramdam at lumusaw ng kalungkutan. Kaya tandaan: Ang sariwang hangin at Vitamin D mula sa araw ay lumilikha ng hiwaga sa lagay ng iyong pag-iisip.
  • National

    DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  • Iwasan ang pagpurol ng isipan. - Hindi mainam na pag-usapan ito ngunit alam nating lahat na totoo ito. Habang tumatanda tayo, medyo pumapalpak ang ating pag-iisip paminsan-minsan. Ayon sa mga dalubhasa, ang pagtanda, pati na rin ang degenerative diseases tulad ng Alzheimer’s, ay pumapatay ng brain cells at pinaliliit ang utak. Sapagkat wala namang kakayahan ang ehersisyo upang gamutin ang lahat ng iyon, makatutulong ito sa paglaban sa pagkapurol ng isipan sa pamamagitan ng ng mga kemikal sa utak na nakatutulong sa pag-iwas sa panghihina ng hippocampus - ang bahagi ng utak na nangangasiwa ng memorya at pagkatuto ng mga bagong bagay.

Sundan bukas.