ISANG pagsubok ang muling kinakaharap ng pamilya Roberts.

Ang ina ni Julia Roberts – na lola ng American Horror Story star na si Emma Roberts na si Betty Lou Bredemus, ay pumanaw dahil sa cancer, sa edad na 80.

Lumabas ang balita isang taon matapos magpakamatay ang half-sister ni Julia na si Nancy Motes. Si Bredemus ay ina nina Eric Roberts, 58, Lisa Gillan, 49, Julia, 47 at si Motes na namatay naman noong Pebrero sa edad na 37.

“It’s hour by hour some days, but you just keep looking ahead,” ani Roberts sa WSJ magazine matapos ang pagkamatay ng kanyang kapatid. “You don’t want anything bad to happen to anyone, but there are so many tragic, painful, inexplicable things in the world.”

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Dagdag pa niya, “But [as with] any situation of challenge and despair, we must find a way, as a family… It’s so hard to formulate a sentence about it outside the weepy huddle of my family.”

As of press time ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang aktres tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina, kahit pa malapit sila sa isa’t isa. Napabalitang sa tahanan ni Julia nanirahan si Bredemus bago ito pumanaw, kasama ang kanyang son-in-law at tatlong apo.