3ForeignersShot_Cebu_02_deVela_20022015-619x414

Patay ang isang German habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek habang kumakain sa isang hamburger joint sa Talisay City, Cebu, kahapon.

Ayon sa Talisay City Police, naganap ang pamamaril dakong 4:00 ng umaga sa Barangay Tabunoc, Talisay City ng nasabing lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Henry Haffner, isang German, habang sugatan sa insidente sina Julian Millard, isang French, at Cheten Saparaiya, isang Indian, makaraang pagbabarilin ng dalawa kataong sakay ng motorsiklo.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Bigo naman ang pulisya na makuha ang pagkakilanlan ng ikatlong sugatang biktima.

Sinabi sa pulisya ng isang nakasaksi sa insidente na si Ronnel Abatayo, isang security guard ng McDonalds restaurant, pumasok umano ang mga biktima upang kumakain at habang masayang nagkukuwentuhan ay bigla na lamang nilapitan at pinagbabaril ng dalawang suspek.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa insidente.