Muling pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang lahat ng Pilipino sa Saudi Arabia, partikular ang mga kababayang health worker, na mag-ingat laban sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).

Ayon sa Department of Health (DoH), isang buntis na Pinay nurse na kararating lang mula sa Saudi Arabia ang kumpirmadong positibo sa MERS-CoV at kasalukuyang ginagamot sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

Pinapayuhan ang mga Pinoy sa Middle East na mas mainam kung ipagpapaliban ang pag-uwi sa Pilipinas kung nakakaramdam ng mga sintomas ng MERS-CoV upang maiwasan ang panganib na mahawaan ang mga pamilya at kaibigan sa bansa.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists