Patay ang tatlong magkakaanak habang tatlong lalaki pa ang nasugatan sa naganap na sunog sa isang paupahang bahay sa Santillan Street, Barangay Pio Del Pilar, Makati City kahapon ng madaling araw.

Lumitaw sa isinagawang awtopsiya ng Southern Police District (SPD) sa Veronica Funeral Homes na dalawang babae at isang lalaki ang tatlong bangkay na narekober ng mga tauhan ng Makati Fire Department.

Kinilala lamang ang mga namatay na biktima na isang “Elvie,” 40, isang kidney donor, sinasabing kapatid o anak na may sakit ng ginang at isa pang kaanak na babae, 20.

Ginagamot sa Ospital ng Makati sina Romeo Guilmar, 24, nagtamo ng third degree burn habang nagkaroon ng paso sa braso at paa si Ryan Perez, 28 na dinala sa Makati Medical Center.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ulat, pasado 2:00 ng madaling araw sumiklab ang apoy sanhi ng umano’y nag-overheat na lumang electric fan sa dalawang palapag na paupahang bahay sa nasabing lugar.

Dahil sa metal grill sa mga bintana ng gusali, hindi na umano nakalabas ang magkakaanak na biktima.