TAAL, Batangas – Napikon ang isang barangay chairman dahil sa kagaspangan ng ugali ng isang obrero hanggang sa barilin niya ito sa loob ng barangay hall ng Barangay Pansol sa Taal, Batangas nitong Huwebes.

Batay sa report ng Taal Police sa Batangas Police Provincial Office, dakong 11:45 ng gabi nitong Pebrero 19 nang makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya mula sa Metro Lemery Hospital kaugnay ng pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon, pasado 11:00 ng gabi nang magtungo ang umano’y lasing na si Rommel Era y Concha, 38, welder, tubong Candelaria, Quezon, at kasalukuyang nakatira sa Bgy. Irokan, Sta. Teresita, Batangas, sa barangay hall para ireklamo ang isang taga-barangay.

Tinangka ng suspek na si Alexander Atienza y Suarez, chairman ng Bgy. Pansol, na pakalmahin si Era pero inisulto, sinigawan at pinagmumura umano nito si Suarez hanggang sa paputukan ng huli sa binti si Era.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Agad namang tumakas ang barangay chairman at pinaghahanap na ngayon.