Isang dalawang taong gulang na babae ang natusta habang ang kapatid nito, na dalawang buwang gulang, ay sugatan matapos maipit ang dalawa sa kanilang nasusunog na bahay sa Malabon noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni SFO4 Alvin Torres, fire investigator, ang namatay na si Jenny Lopez, na halos hindi nakilala ang bangkay dahil sa matinding pagkasunog.

Nagtamo ng sunog sa kaliwang binti ang kanyang nakababatang kapatid na si Jerecho, dalawang buwang gulang, ayon sa ulat.

Natutulog ang magkapit sa kanilang bahay sa Block 19, Lot 3, Dulong Hernandez, Barangay Catmon, Malabon nang magsimula ang sunog dito dakong 8:12 noong Huwebes ng gabi.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP

Tinangka pa umanong sagipin ng ina ang magkapatid subalit hindi na nito napasok ang silid dahil sa kumalat na ang apoy sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay.

Dahil sa lakas ng hangin, agad na kumalat ang apoy na sumira sa mahigit na 40 bahay.

Ayon sa arson investigators, aabot sa 70 hanggang 80 pamilya ang nawalan ng bahay sa insidente.