Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Talk ‘N Text vs. NLEX

7 p.m. Rain or Shine vs. Alaska

NAKAPOSISYON si JC Intal ng Barako Bull upang isalansan ang bola sa harap ni Calvin Warner ng Globalport sa kasagsagan ng kanilang laro noong Miyerkules sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. (Bob Dungo Jr.)Tumatag sa solong ikalawang puwesto ang tatangkain ng Talk ‘N Text sa kanilang pagsagupa sa sister squad na NLEX sa nakatakdang double header ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Taglay ng Tropang Texters ang barahang 4-1 (panalo-talo) kasunod ang namumuno at sister team din nila na Meralco na kaakibat sa ngayon ang malinis na 5-0 marka.

Makaraang maputol ang kanilang unang dalawang panalo sa kamay ng Bolts, bumalikwas ang Tropang Texters at nagtala ng dalawang sunod na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Barangay Ginebra Kings, 104-103, na pinamuan ni Jayson Castro.

Sa pagkakataong ito, susugal ang Tropang Texters sa bagong import na si Ivan Johnson na napagdesisyunan nilang ipalit sa reigning Best Import na si Richard Howell. 

Ang naging desisyon ng Tropang Texters ay dahil na rin sa reputasyon ng 30-anyos na dating manlalaro ng Atlanta Hawks sa NBA sa pagiging pikon at mainitin ang ulo. 

Katunayan, sa huling paglalaro nila sa Korea ay pinagmulta ito ng malaking halaga dahil umano sa pagsenyas ng kanyang gitnang daliri kontra sa isang referee.

Kung tangka ng TNT na makamit ang ikatlong dikit na panalo, target naman ng kanilang kapatid na Road Warriors ang unang back-to-back wins ngayong mid-season conference kasunod sa natikman nilang unang panalo noong nakaraang Martes laban sa Balckwater, 106-79, matapos matalo sa unang tatlo nilang laro.

Inaasahan ni coach Boyet Fernandez na magpapatuloy ang ipinakitang magandang laro ng kanyang mga player, partikular ang import na si Al Thorton na nagtala ng kanyang PBA best na 39 puntos at 15 rebounds kontra sa Elite matapos ang naging “pep talk” ng kanilang management. Ito’y nang malasap nila ang malaking pagkatalo sa Purefoods kamakailan.

Samantala, sa tampok na laro, kapwa naman ipaparada ng Rain or Shine at Alaska ang kanilang mga bagong import na ang kanilang hangad ay mapaganda ang takbo ng kanilang kampanya para sa tsansang umusad sa playoff round.

Ibinalik ng Elasto Painters ang dating import na si Wyane Chism kapalit ni Rick Jackson habang kinuha naman ng Aces ang serbisyo ni Damion James, dating miyembro ng 2014 NBA champion na San Antonio Spurs kahalili si DJ Covington.

Tatangkain ng Elasto Painters na makisalo sa ikatlong posisyon na kinaluluklukan sa ngayon ng defending champion Star Hotshots na may barahang 4-2 upang kumalas sa kasalong Barako Bull na nasa ikaapat na puwesto na hawak ang 3-2 kartada.

Para naman sa Aces, sisikapin nilang umangat buhat sa kinalalagyan nilang ikaanim na posisyon (2-2) kasalo ang Barangay Ginebra, bukod pa sa hinahangad na unang back-to-back wins ngayong conference matapos ang naitalang tagumpay laban sa San Miguel Beer noong Martes, 107-100.

Inaasahan ni coach Alex Compton na malaki ang maitutulong ng 27-anyos at 6-foot-7 na si James na kilala sa kanyang husay, hindi lamang sa rebounding, kundi maging sa pagdepensa na siyang nakilalang tatak ng Alaska magmula ng sumailalim ito sa kanya.