KALIBO, Aklan— Isa na namang residente na pinaniniwalaag may kapansanan sa pag-iisip ang inaresto ng mga awtoridad sa Kalibo International Airport.

Nakilala ang lalaki na si Manolo Sonio, 39, tubong Blulacan. Inaresto si Sonio ng awtoridad matapos niyang sabihin na nagtatrabaho siya sa Malacañang at wala siyang mga dalang mga ID.

Nakapila si Sonio sa departure area nang kuwestiyunin ng mga awtoridad. Papunta sanang Manila si Sonio kahit wala siyang tiket kayat kaagad siyang dinala ng Aviation Security Group sa Kalibo Police para imbestigahan.

Isang kamag-anak ni Sonio ang sumundo sa kanya sa istasyon ng pulisya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito na ang pangatlong insidente na mayroong isang may kapansanan sa pag-iisip ang sumubok na makapasok sa paliparan. Patuloy namang nakaalerto ang mga operatiba ng KIA dahil sa sunod-sunod na insidente ng breach of security.

Base sa tala ng Civil Aviation Authority of the Philippines, ito na ang pangatlong pagkakataon na may nakapasok na may kapansanan sa pag- iisip sa loob ng airport.