Sarah-Geronimo-copy

NAGBIGAY na ng go-signal ang Star Cinema para simulan ang pelikulang pagtatambalan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Bagamat wala pang title, ayon sa aming source, ayos na ang lahat pati na rin ang problema sa script.

“For a time, nagkaroon kami ng problem sa script, so tuloy na siya ngayon. Nagkaroon ng tweaking sa story... maganda siya (pero) hindi ko pa puwedeng sabihin. Kakaiba ang concept, I’m excited and at the same time I’m scared. Meron kasing requirements na hinihingi. I have to learn to play something… maraming hinihingi ang role,” rebelasyon ni Papa P.

Sisimulan na ang shooting as soon as na-confirm na ang istorya at ngayong 2015 ang target playdate nila.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gaya ng huli niyang blockbuster movie, ang pelikula nila ni Toni Gonzaga na Starting Over Again, ang Sarah-Piolo movie ay isa ring romantic-comedy, the usual format na kinaaaliwan ng mga manonood.    

“Hindi mo maaalis ang loveteams, eh, ‘yun ang formula sa atin at ‘yan ang hinahanap  ng mga tao. For a time I went indie because I want to think out of the box and do something different, pero babalik at babalik ka pa rin sa mainstream which is rom-com. I don’t mind, I’m just an actor, a team player at gagawin ko lang kung ano ang ipagawa sa akin,” paliwanag ng hunk actor. 

Sa ASAP laging nagpapangita sina Sarah at Piolo pero ayon sa binatang ama, kailangan pa nilang mag-bonding para wala nang ilangan sakaling gumiling na ang kamera para sa kanilang takdang project.

“Actually, nag-uusap naman kami, pero lagi na lang siyang ‘po’ nang ‘po’,  kaya tumatayo na ‘ko, umaalis na  lang ako,” pabirong kuwento ni Papa P. na nagkomento ring sadyang napakamagalang ni Sarah sa lahat.

“Pero okay naman, mas komportable na siya siguro ngayon, we just really have to break  the ice kasi matagal na kaming magkasama sa ASAP, more than ten years na.”  

Bilang singers, pinag-iisipan ng dalawa kung sila na rin ang kakanta ng theme song ng kanilang movie.

“Actually pinag-iisipan na kung magdyu-duet kami sa theme song kasi we both sing. Maganda ang konsepto, mahirap lang ikuwento pero pareho pa namin itong hindi nagagawa sa isang movie, so pareho kaming excited,” aniya. 

Isa sa mga ingredients ng rom-com ang ilang pampakilig o kissing scenes, may hihintayin bang ganitong eksena sa movie ang kanilang fans?

“Si Sarah na lang tanungin n’yo regarding that,” mabilis na sagot ni Piolo sabay tawa. “Ako, okay lang naman sa magulang ko, okay lang din sa anak ko (Iñigo),” nagbibiro pa ring sabi ng aktor.