LIE LOW muna sa seryosong football game ang Kapatid stars na sina Phil at James Younghusband habang naghahanda sa nalalapit nilang programa sa TV5 na pinamagatang YH Tube na mapapanood na simula sa Sabado, Pebrero 21.

Tiyak na matutuwa at kikiligin ang libu-libong tagahanga ng magkapatid na Younghusband dahil susubukin ang kanilang galing sa pagsasalita ng Tagalog.

Kukumpletuhin ng YH Tube ang araw ng Kapatid viewers sa pamamagitan ng bloopers sa iba’t ibang larangan ng sports sa loob at labas ng bansa.

Sa loob ng tatlong taon bilang Kapatid artists, napapanood sina Phil at James na nagbabahagi ng kanilang mga kaalaman sa FYI: Football Younghusband Instructional.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“We wanted to show a different side of Phil and James. Everyone know them as two of the best football players to ever don a Philippine jersey. They’re talented athletes and dedicated to the game of football. But now, they get to show their funny side. The two have a lot of personality and they like a good laugh like everyone else, All that will come out on YH Tube,” pahayag ng Sports5 manager na si Vitto Lazatin.

Siguradong buo ang bawat Sabado sa pagtutok sa YH Tube ng TV5, 4:30 PM, simula Pebrero 21.