DAGUPAN CITY - Dahil sa kunsumisyon sa mga hindi nababayaran niyang utang ipinasya ng isang lalaki na tapusin ang sarili niyang buhay at ibinigti ang kanyang sarili sa Quintos Bridge sa AB Fernandez Avenue.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Arthuro Ruizan, 58, biyudo, fish vendor ng Nueva Street, Dagupan City.

Nadiskubre nitong Miyerkules ang wala nang buhay na si Ruizan habang nakabigti ng lubid sa tulay.

Mismong si Danilo Ruizan, 60, kapatid ng biktima, ang nagsabing na posibleng nagpakamatay ang kanyang kapatid dahil namumroblema ito sa mga pagkakautang .
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25