Sumuko sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete, matapos maglabas ng arrest order ang Sandiganbayan noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Director Benjamin Magalong, CIDG Chief , sumuko si Lanete at isinailalim  sa booking process sa CIDG headquarters sa Camp Crame dakong 8:30 noong Miyerkules ng gabi.

“Sumailalim na siya sa mugshot, fingerprint, at medical examination. Pansamantala siyang nakapiit sa NCR-Criminal Investigation and Detection Unit,” pahayag ni Chief Insp. Elizabeth Degocena Jazmin, tagapagsalita ng CIDG.

Ang pagsuko ni Lanete ay kasunod sa ipinalabas warrant of arrest  ng Sandiganbayan bunsod ng kasong 11 counts of graft na kanyang kinahaharap na inihain ng Ombudsman noong Pebrero 5.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakakomisyon umano si Lanete ng P108.4 milyon mula sa pondo ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na inilaan sa mga ghost project.

Hinihintay na lamang na mag-iisyu ng commitment order ang anti-graft court para itakda kung saan makukulong si Lanete.

Bukod na Lanete, mahigit 30 iba pa ang kinasuhan ng plunder at graft kaugnay sa P10 bilyong pork barrel scam kung saan ang itinuturong utak ay ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.