TACURONG CITY- Namatay ang isang 24-anyos na ina matapos sagipin ang kanyang dalawang anak mula sa kanilang nasusunog na bahay sa General Luna St., sa siyudad na ito noong Miyerkules.

Kinilala ni City Fire Marshal Marjorie Jenna Resureccion ang namatay na biktima na si Paige Kyla Bohler.

Ayon sa imbestigasyon, pinilit na pasukin ni Bohler ang kanilang bahay habang ito ay nasusunog upang sagipin ang kanyang dalawang anak.

Subalit naipit si Bohler sa isa sa mga nasusunog na silid na kanyang ikinamatay.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Sa kabila nito, nasagip naman ng mga rumespondeng bumbero ang dalawang anak ng biktima bago tuluyang naabo ang kanilang bahay.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, atrasado nang dumating ang mga bumbero kaya hindi agad naapula ang sunog sa bahay ng pamilya Bohler.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.