Dadalhin ni French President Francois Hollande ang dalawang Oscar-winning star sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas sa susunod na linggo, sa layuning pasiglahin ang climate talks sa Paris, sinabi ng kanyang envoy noong Miyerkules.

Sa kanyang pagbisita, manana-wagan si Hollande at si Pangulong Benigno Aquino III sa mga lider ng mundo na isapinal na ang climate change pact sa pagpupulong nila sa Disyembre, sinabi ni French ambassador to the Philippines Gilles Garachon sa mga mamamahayag.

Isasama ni Hollande ang French actress na si Marion Cotillard at ang British actor na si Jeremy Irons, kapwa tumanggap ng highest acting honor sa Hollywood, ayon kay Garachon.

Isasama rin niya si Patriarch Bartholomew I ng Orthodox Church at isa pang French actress, si Melanie Laurent, ayon sa envoy.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“All these people will be there to show support for this cause,” aniya.

Darating si Hollande sa Manila sa Pebrero 26. Sa araw ding iyon, makikipagpulong siya sa local businessmen sa tanghali, at sa climate change forum at makikipagkita kay Aquino sa presidential palace.

“The idea is to call for an international mobilization on climate change… It’s decision time,” sabi ni Garachon, nang tanungin tungkol sa joint statement na inaasahang ilalabas ng dalawang lider.