MALAKI ang pagsisisi ng isang female showbiz personality na bumilang pa siya ng maraming taon bago siya kumalas sa kanyang asawa. Sana raw ay noon pa siya nagdesisyon na humiwalay.

Inakala raw niya noong una na habambuhay na kaligayahan ang mararamdaman niya sa piling ng asawa pero kabaligtaran ang nangyari. Kung bibilangin daw ang mga araw na nakaramdam siya ng kaligayahan at ang sobrang mga pasakit na naranasan sa mister ay hindi hamak na mas maraming pagtitiis ang naramdaman niya.

Wala naman daw siyang dapat sisihin kundi ang sarili rin niya. Noong una, gusto niyang papaniwalain ang mga taong malalapit sa kanya na maganda at maayos ang married life niya. Pero sa totoo lang, hindi niya mabilang ang mga gabi at araw na iniiyakan na lang niya ang mga problema nilang mag-asawa.

Kahit konting pagkakamali lang ay pinapalaki raw agad ng asawa niya at para itong sirang plaka na inuulit-ulit at ipinamumukha sa kanya ang mga nagawa niyang pagkakamali. Ang masaklap, pati mga pagkakamali niya noong hindi pa naman sila nagsasama sa iisang bubong ay paulit-ulit din nitong isinisisi sa kanya.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

May isang kuwento pa sa amin ang female showbiz personality na talagang ikina-shock namin. Wala kasi sa imahe ng guy na magagawa nito ang ganoong bagay.

Lahad pa rin ng female showbiz personality, kahit ano pa ang mangyari ay hinding-hindi na mababago ang desisyon niyang kalimutan ang kabanata nila, huh!