Liza-aT-Diego-copy1

WALANG panghihinayang si Diego Loyzaga sa ilang taon din naman niyang paghihintay ng break sa showbiz. Sabi ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, may tiwala siya sa Star Magic na namamahala sa career niya.

Unti-unti nang nagbubunga ang paghihintay niya. Ngayon, kaliwa’t kanang papuri ang natatanggap ni Diego sa maraming avid viewers ng Forevermore.

“Well, thank you sa Channel 2 kasi ibinigay sa akin ang role dito sa Forevermore,” sey ng bagets sa amin.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Si Diego ang ka-love triangle ng mga bidang sina Liza Soberano at Enrique Gil sa lalong lumalakas na teleserye na ito ng Kapamilya Network. So okey lang sa kanya na maging kontrabida?

“No problem. For me, as long as maganda ang role, eh, okey lang. Trabaho lang naman ito,” sagot ng guwapong aktor.

Paano kung magalit sa kanya ang fans ng tambalang Liza at Enrique lalung-lalo na ang Lizquen?

“Well, wala naman akong nakikita sa kanila na galit sila sa akin. May mga dumadalaw pa nga sa set na mga fans nila, eh, okey naman sila,” sey ni Diego.

May mga nakakapansin na threat sa Liza-Enrique loveteam si Diego pero ayon sa isang kasama nila sa cast ay nag-improve na nang husto ang akting niya. May mga nagsasabi pa na mas bagay si Diego kay Liza kaysa kay Enrique.

Bukod sa Forevermore ay busy rin ngayon si Diego sa pagiging VJ ng MYX. Ang wish niya, sana ay matuluy-tuloy ang kanyang suwerte.