Pebrero 20, 1985 nang pumayag ang Ireland government sa pagbebenta ng contraceptives sa kabila ng pagtutol ng Simbahang Katoliko.
May 83-80 boto, ang non-medical contraceptives, katulad ng condoms at spermicides, ay naisabatas. Nagtagumpay ang mga partido ng Labour at Fine Gael, sa pangunguna ni Dr. Garret Fitzgerald, laban sa kumukontra.
Noong 1979, hinarang ng bansa ang importasyon at bentahan ng contraceptives. Sa kasong McGee v. The Attorney General noong 1973, binigyan ng karapatan ng Irish Supreme Court ang mga mag-asawa sa paggamit ng contraceptives. Nobyembre 1980 nang maipasa ang Health (Family Planning Act), ang batas na nagbibigay karapatan sa kahit sino sa pagbili ng contraceptives.