Isang 40-talampakang balyena ang na-stranded sa baybayin ng Barangay Bangkorohan, Quezon, ngunit iniulat na namatay makalipas ang ilang oras, dahil sa mga sugat, sinabi ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRMO) nitong Miyerkules.

Sinabi ni Dr. Henry M. Buzar, PDRRMO action officer, na ang balyena ay may sugat sa kanang bahagi ng katawan at tiyan sa malalim na bahagi ng dagat noong Pebrero 17.

Sinabi ng pulisya na namataan ang balyena halos isang kilometro mula sa dalampasigan, na tinatayang may habang 40 talampakan, mas mahaba kaysa isang pampasaherong bus, limang talampakan ang lapad at 10 talampakan ang taas.

Inatasan ni Chief Inspector Noel Divino, ang lokal na pulisya na bantayan ang balyena.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho