UNITED NATIONS (AP) – Hiniling noong Martes ng Iraq ambassador to the United Nations sa UN Security Council na imbestigahan ang mga alegasyon na ang grupong Islamic State ay nangunguha ng organ bilang isang paraan para tustusan ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Ambassador Mohamed Alhakim sa mga mamamahayag na nitong nakalipas na mga linggo ay natagpuan ang mga bangkay na may surgical incisions at nawawalang kidney o iba pang lamanloob sa mabababaw na mass graves.

Sinabi rin niya na ilang dosenang doktor ang pinatay sa Mosul sa pagtangging makiisa sa “organ harvesting”.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm