Ang malawakang information drive sa mga oportunidad at paghamon ng ASEAN Integration 2015 ay lumalawak sa Central Visayas. Sapagkat marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang alam sa Asean Economic Integraion, ito ang dahilan kung bakit kumilos ang Northwestern Visayas Colleges (NVC) sa pangunguna ni Atty. Allen Salas Quimpo upang magsagawa ng isang malawakang information campaign upang ipabatid sa mga mamamayan ng rehiyon, partikular na sa Aklan hinggil sa gahiganteng mga oportunidad pati na rin ang mga paghamon na hinaharap ng pagsilang ng integrasyon ng alyansa ng sampung bansang miyembro ng ASEAN na kinabibilangan ng Singapore, Indonesia, Thailand, Philippines, Malaysia, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar, at Cambodia.

Sa Central Visayas, ang 2nd Aklan Forum on Asean Integration na pinag-abalahan ng NVC, ang benepisyo ng Pilipinas, lalo na sa Aklan at ang region road map sa Asean Integration ay tinalakay sa isang araw na forum na nilahukan ng mga nangungunang personalidad, kabilang ang mga kinatawan ng mga bartangay, iba’t ibang munisipalidad, religious groups, mag-aaral at mga guro, mga kabataan, propesyonal, magsasaka, at mga pamahalaang lokal.

May ilang personalidad, pinangunahan ang talakayan ni Dr. Wilfredo V. Villacorta, dating deputy secretary-general ng ASEAN mula 2003 hanggang 2006, at hinimay ang mga oportunidad at paghamon ng ASEAN Integration. Si Villacorta, na isang awtoridad sa ASEAN objectives ang nagbigay ng maraming impormasyon at pananaw sa mga kalahok.

Sa ilalim ng liderato nina Atty. Quimpo, Aklan Gov. Joeben T. Miraflores, senior provincial board member Plaredel Morania, mga may-akda ng Aklan Council for Asean Economic Integration (ACAEI), isang ahensiya na nasa ilalim ng Aklan Provincial Government na mangangasiwa ng mga aktibidad ng ASEAN Integration na may suporta ni Aklan Rep. Teodorico T. Haresco Jr., inaasahan na lulutang ang Aklan bilang nangungunang lalawigan na magtataguyod ng ASEAN Integration sa Central Visayas. Ang ASEAN Economic Community ay tinatanaw bilang iisang merkado at proteksiyon na itatag ng nasabing sampung ekonomiya.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente