Itinakda ng Philippine Sports Commission (PSC) at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang dalawang araw na national anti-doping summit at aktuwal na trainors training workshop sa dalawang lugar sa Marso 4 at 5.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na ang dalawang araw na seminar ay bahagi sa national project para sa “awareness and commitment campaign on anti-doping in the Philippines” na ginaganap din sa buong mundo upang ituro ang mga pamamaraan para makaiwas at lumayo ang mga dadalo sa mga ipinagbabawal na gamot.

“We want to contribute to the creation of a sporting environment conducive to healthy living and where play is fair and true by way of complimentary actions,” sinabi ni Garcia. “Also among the objective is to impress upon the values of true play and clean game in sports and promote a drug-free culture among the athletes and young population.” 

Unang isasagawa sa Marso 4 ang national anti-doping summit sa Unilab Bayanihan Center sa Pioneer St. sa Mandaluyong City habang ang Philippine Anti-Doping Champions: Trainors Training Workshop ay gaganapin sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.  

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Iniimbitahan ang mga coach, athletes at sports medicine practitioner sa dalawang araw na seminar na bukas para sa lahat din ng mga nagnanais na makibahagi sa programa para makaiwas sa pagkalulong sa bawal na gamot.  

Ituturo sa seminar-workshop ang iba’t ibang pamamaraan para makaiwas na maging positibo sa mga bawal na gamot sa nakatakdang pag-usapan na WADA Code, 2015 Prohibited List, Doping Control Standards, Laboratory Standards, Therapeutic Use Exemptions, Athletes Whereabouts at Result Management.