DELRAY BEACH, Fla. (AP)- Dinispatsa ni Taiwan’s Lu Yen-hsun si top-seeded Kevin Anderson ng South Africa, 7-6 (6), 6-3, kahapon sa second round ng Delray Beach Open.

Nakatakdang humarap ang 31-anyos na si Lu sa quarterfinal match kontra sa fifth-seeded na si Adrian Mannarino ng France, nagwagi via 6-2, 6-2 laban kay Denis Kudla sa kalapit na Boca Raton. Nasa ranggong ika-61, target ni Lu na mapasakamay ang kanyang unang ATP Tour title.

Umabante rin sa sususnod na round si fourth-seeded Ivo Karlovic ng Croatia, pinataob ang 18-anyos na si Thanasi Kokkinakis ng Australia, 7-6 (7-4), 7-6 (7-2). Makakatagpo ni Karlovic, ang 6-foot-11 Croatian na magseselebra ng kanyang ika-36 kaarawan sa pagtatapos ng buwan na ito, si seventh-seeded Steve Johnson sa quarterfinals. Winalis ni Johnson ang 17-anyos na wild-card na si Andrey Rublev ng Russia, 6-3, 6-3.

Ang pagkakasibak kay Anderson, kasama si second-seeded John Isner na nabigo kay Marinko Matosevic noong Miyerkules, ang nagmarka sa unang pagkakataon na ang top two seeds ay naunsiyami bago ang quarterfinals matapos noong 2006. Ito rin ang ika-22 pagkakataon sa ika-23 kasaysayan ng torneo na dumausdos ang top seed para magtagumpay sa torneo. Si Mardy Fish ang natatanging No. 1 na kinubra ang titulo noong 2009.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

‘’That’s not the match I wanted to play,’’ saad ng 6-foot-8 na si Anderson, nabigo rin kay Kei Nichikori sa Memphis indoor final noong nakaraang linggo. ‘’I felt sluggish in the conditions. And he stuck to his game plan and was hitting through the ball. I wasn’t putting any returns in the court.’’

Naglaro si Lu ng ‘consistent, no-frills style of tennis’ na pumuwersa kay Anderson na makakuha pa ng tsansa. Ang South African, nakatira at nagsasanay sa Delray Beach, ay ‘di epektibo sa kanyang service games kung saan ay maluwag na naibabalik ni Lu ang bola sa korte.

Matapos maglaro sa pamamagitan ng kanyang serve sa unang set, kinuha ni Lu took ang 6-2 lead sa tiebreaker, partikular na ang nangyaring unforced errors ni Anderson. Nakipagsabayan ang top seed tungo sa 6-6-all subalit sumablay ang forehand nito sa baseline sa sumunod na eksena.