Labinsiyam na Reserved Officers’ Training Course (ROTC) cadette ang nalason dahil sa pag-inom ng kontaminadong tubig sa Surigao del Sur, iniulat kahapon.

Positibong may coliform organism ang tubig na nainom ng mga biktima batay sa report ng water analysis ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office ng Surigao del Sur.

Nakasaad sa report ni Dr. Algerico Irizari na nalason ang 19 na ROTC cadette na na-confine sa Adela Serra-Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) noong Martes ng umaga.

Nangyari ang insidente sa Surigao del Sur State University (SDSSU) main campus sa lungsod ng Tandag habang ginagawa ang Regional Annual Administrative Tactical Inspection (RAATI).

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ayon sa report, ang mga biktima na edad 16 hanggang 24 at na mula pa sa Lianga campus, ay nalason sa pag-inom ng tubig na hindi pa malaman kung saan nangagaling.