Nais ni Valenzuela City First District Councilor Rovin Feliciano na imbestigahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kung may katotohanan ang umuugong na balita na may mga taxi operator ang nagpapahiram ng pekeng drivers license, upang maibiyahe lamang ang kanilang mga taxi.

Sa kanyang privileged speech sa konseho sinabi ni Feliciano sa kanyang mga kasangguni na magpadala ng liham sa LTFRB upang hilingin na magsagawa ang mga ito ng imbestigasyon kaugnay sa naturang isyu.

Ayon sa konsehal, isang taxi driver mula sa Pinalagad, Barangay Malinta ang personal na nagtungo sa kanyang tanggapan at ibinunyag ang umano’y pagpapagamit ng mga taxi operators ng ibang lisensiya kapag hindi sila nakapagbigay ng boundary at gusto nilang muling bumiyahe.

Layon ng mga tiwaling taxi operators ang nasabing modus-operandi na huwag matengga ang kanilang mga sasakyan at hindi ito kumita kung kaya’t kahit walang driver’s license ang nag-a-apply na driver, pinahihiram ito ng ibang lisensiya na kahit hindi pangalan ng driver.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Napakapeligroso sa driver ang ganoong kalakaran kasi once na nahuli ang driver ng mga traffic enforcers, tiyak mas malaki ang multa nito,” ani Feliciano.

Sinabi pa ng taxi driver, may mga kasamahan siyang kulang ang boundary kung kaya’t kinukumpiska ng operator ang driver license nito na ipinapagamit naman sa ibang tsuper na walang lisensiya.