DALLAS (AP)– Handa nang magbalik si Rajon Rondo para sa Dallas makaraang lumiban sa huling anim na laro bago ang All-Star break dahil sa napinsalang buto malapit sa mata.

Malapit na rin ang pagsama ni Amare Stoudemire sa Mavericks matapos na pakawalan siya ng last-place na Knicks sa pamamagitan ng buyout.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Ang pinakahuling makeover ng Mavericks ay nag-umpisa na, o nagpapatuloy, o anuman ang iba pang tawag para sa isang koponan na malaki ang ipinagbago noong summer at muli noong Disyembre, at ngayon ay naghihintay sa magiging resulta ng kanilang pagkakadagdag ng isa pang dating All-Star.

Walang gaanong oras ang Mavericks na mas mag-ayos pa para sa kanilang laban para sa playoff positioning sa Western Conference. Ang kanilang stretch run ay mag-uumpisa kontra sa Oklahoma City, na susundan naman ni NBA scoring leader James Harden at Houston sa isang back-to-back.