NIKISHINE, Ukraine/BUDAPEST (Reuters) – Sinabi ni Russian President Vladimir Putin sa Kiev na payagan ang kanyang mga sundalo na sumuko sa pro-Russian rebels, na binalewala ang ceasefire sa eastern Ukraine at patuloy na umabante noong Martes sa bayan ng Debaltseve, pinalibutan ang libu-libong tropa ng gobyerno.

Nagkaroon ng peace deal sa magdamag na pag-uusap sa Belarussian capital na Minsk noong nakaraang linggo ngunit nawalan ito nang saysay nang hindi iniurong ng magkabilang panig ang malalakas na armas batay sa napagkasunduan at tumanggi ang mga rebelde na itigil ang kanilang pag-abante.

Sinabi ni Putin, inaakusahan ng mga bansa sa Kanluran ng pagdirekta sa pag-atake ng mga rebelde kasama ang mga sundalong Russian at gamit ang kanilang mga armas, na dapat payagan ng Kiev ang kanyang mga sundalo na sumuko sa mga umaabanteng rebelde.

“I hope that the responsible figures in the Ukrainian leadership will not hinder soldiers in the Ukrainian army from putting down their weapons,” ani Putin.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“If they aren’t capable of taking that decision themselves and giving that order, then (I hope) that they won’t prosecute people who want to save their lives and the lives of others.”