Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap ito ng impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Jakarta na ang Pilipinong nahatulan ng kamatayan ng isang korte sa Indonesia sa kasong drug trafficking ay hindi kabilang sa grupo ng mga death row convict na inilipat sa isolated Nusakambangan Island sa Cilacap, Central Java kung saan ipinapalagay na isasagawa ang pagbitay sa kanila.

“Our Embassy in Jakarta has received confirmation from Indonesian authorities that the Filipina is not among those who were moved to an island where execution will take place,” saad sa pahayag ng DFA. “Said Filipina is still in Yogjakarta jail.”

Samantala, sinabi ng DFA na hinihintay pa rin nito ang schedule ng judicial review ni Mary Jane Fiesta Veloso na hiniling ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Indonesia.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya