CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Office of the Public Information Office ng pamahalaang panglalawigan ng Lanao del Norte ang pagkamatay ni Maigo Vice Mayor Elmer Ramos—na ang pagpapakamatay ay nananatiling isang malaking misteryo para sa kanyang pamilya at constituents.

Natagpuang patay si Ramos sa loob ng master’s bedroom ng kanyang bahay nitong Pebrero 13. May tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido ng bise alkalde.

Napaulat na nabigo si Ramos na makabalik sa opisina matapos dumalo sa pulong ng Peace and Order Council, at kalaunan ay natagpuang patay na.

Nagtataka naman ang pamilya ni Ramos dahil wala silang alam na pinoproblema ng bise alkalde, na masaya pang nakipagkuwentuhan sa kanyang asawa bago nagtungo sa silid at pinaniniwalaang nagbaril gamit ang isang .45 caliber pistol.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!