Ai Ai Delas Alas

LAST Sunday, nakausap namin nang hindi sinasadya ang aming kaibigan na dating malapit kay Ai Ai delas Alas.

Napag-usapan namin ang nakanselang concert ng komedyana na ayon sa kausap namin ay sort of nakarma lalo na’t trouble in the making maging noong umpisa pa lang ang nasabing show.

Hindi lang naman daw ang producer na si Jacob Fernandez kundi maging si Ai Ai ay partly to be blamed din kung bakit minalas ang pagbabalik sana ng sinasabing comedy queen sa entablado.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

“’Pina-off the record pa mismo ni Ai Ai ang rason daw kung bakit last minute nag-back out si Richard Yap sa Valentine concert niya pero hayan nabuking din sila,” sey ng kausap namin.

Sinisisi na raw ngayon ng kampo ni Ai Ai ang producer ng show na magandang kausap naman daw sa umpisa pero pagdating sa bayaran ay hindi na maayos na kausap.

“Ipinasa na lang nila ngayon sa tao pero sa umpisa pinapalabas nila na ang mga may hawak daw ng career ni Richard Yap ang may kasalanan. Kesyo maraming hinihinging demands ang mga ito at pati sa talent fee ni Richard, eh, masyadong mataas daw ang hinihingi,” sey pa ng kausap namin.

Tumahimik lang naman daw ang management ni Richard pero ngayon ay nag-iba bigla ang ihip ng hangin sa kampo ni Ai Ai.

“Nabaling ang sisi nila ngayon sa mismong concert producer na si Jacob Fernandez. Pinapalabas pa nila ngayon na kaya raw nag-back out si Richard dahil hindi raw tinupad ng producer ang promise niya na ideposito sa bangko ang supposed to be talent fee na tatanggapin ni Richard,” sey pa ng kausap namin.

Well, we hope na makakuha ng concert producer na maayos kausap si Ai Ai para matupad ang pagbabalik niya sa concert scene.