Hindi papayag ang Senado sa kahilingan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na aprubahan na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil marami pang katanungan na dapat matugunan lalo na sa usapin sa Saligang Batas.

“It cannot pass in its present form. It has to undergo revision and improvements. But amending the bill shouldn’t be equated with mangling it. Dito pa lang ayusin na. It must pass the constitutional litmus test here. It’s better for the legislature to make it constitutionally-compliant than for the Supreme Court to strike it down later,” ayon kay Recto.

Aniya, malaking usapin din sa BBL ang bilyong pisong gagastusin ng national government para rito. Sa unang taon pa lamang ng Bangsamoro, tinatayang aabot na sa P75 bilyon ang kailangang iluwal mula sa pondo ng bansa.

“In the draft BBL, the block grant is automatically appropriated, meaning Congress is obliged to approve it. It may be open to congressional scrutiny, but not to congressional deletion or even reduction. Ang sabi ng marami, parang sovereign debt na natin ito. Kasi nga sa budget natin, ang pambansang utang ay automatically appropriated,” dagdag pa ni Recto.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Batay sa mga probisyon nito, aabot din sa P10 billion budget mula sa Department of Tourism (DOT), Department of Trade and Industry (DTI) o sa Technical Education at Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng social development fund.

Tuloy pa rin ang daloy ng pondo para naman sa local government units (LGU’s) sa ilalim ng Internal Revenue Allotment (IRA).

Nangangamba si Recto na kung ganito ang magiging sitwasyon, maraming rehiyon ng magsusulong na rin ng autonomiya.

“Kung ibibigay natin sa Bangsamoro, bakit hindi natin ibigay sa Palawan, Cebu, Ilocos or Negros? If this will be precedent-setting, then good, because the principle of fairness and equal application of privileges will be observed. Kasi lalakas ang pressure from local governments na ibigay din sa kanila ang ipinagkaloob sa ilalim ng BBL. Porke ba’t araro lang ang hawak ng isang tao maliit lang ang ibibigay, pero kung baril ang tangan ay malaki?” punto ni Recto.