Ipinasa ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at ng House committee on appropriations ang panukalang gawing boluntaryo para sa mga guro ang pagsisilbi sa panahon ng halalan.
Pinagtibay ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa pamumuno ni Capiz Rep. Fredenil H. Castro, at ng Committee on Appropriations ni Rep. Isidro T. Ungab, ang HB 5412 (Election Service Reform Act) bilang kapalit ng limang magkakahiwalay na panukala na unang inihain sa Kamara.
Ang panukala ay inakda nina Representatives Antonio L. Tinio, Regina Ongsiako Reyes, Erlinda M. Santiago, Eric L. Olivarez, Lawrence Lemuel H. Fortun; Leonor Gerona-Robredo, Edgar R. Erice; Harlin C. Abayon; Nicasio M. Aliping, Jr. at Emmeline Aglipay Villar.
Sinabi nina Castro at Ungab na layunin ng panukala na mapalaya ang mga guro sa sapilitang pagsisilbi sa halalan na ginagawa nila ngayon at maibukas ang election service sa iba pang kawani ng pamahalaan, mga miyembro ng Commission on Election-accredited citizen arms at mga pribadong mamamayan na kilala sa kanilang integridad.