Ethan at Sunny

MATAPOS mag-divorce noong 2012, muling nagkamabutihan ang aktor na si Ethan Embry at aktres na si Sunny Mabrey at planong ituloy ang nakatakdang muling pagpapakasal. Ekslusibong nakapanayam ng Us Weekly ang magkasintahan sa ginanap na Makeup Artists and Hair Stylists Guild Awards noong Sabado, ika-14 ng Pebrero, sa Los Angeles.

“It’s the same one I had from way back in the day,” ani Mabrey tungkol sa kanyang engagement ring. “I just couldn’t [get rid of it], it was too painful. I couldn’t imagine letting that go. It just meant too much, and I guess there was maybe a little bit of hope there!”

Nakilala si Embry sa kanyang pagganap sa mga pelikula katulad ng Sweet Home Alabama, That Thing You Do at Empire Records. Pinag-ukulan naman ng pansin ni Mabrey ang kanyang career sa telebisyon, at naging panauhin sa mga show kagaya ng Angel, Mad Men, Desperate Housewives at The Client List. Unang ikinasal ang dalawa noong 2005 at nanatiling magkaibigan matapos maghiwalay.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“She maintained a relationship with my son,” ani Embry, 36, tinutukoy ang kanyang anak na si Cogeian. “He’s 15 now, but she would hang out with him once a week you know. So she was always right there and I called her up one day and I said, ‘The arms distance thing, it’s just not working.’ She came and picked up my son. She drove over to pick up my son, and I came out to say hello and she’s wearing my old shirt, my favorite f--king shirt! And it’s this vintage Levis plaid number, and she had tied it at the titties.”

Ang ginawang iyon ni Ambrey, na itinuring ni Embry na “manipulative,” ay nagpahirap sa Can’t Hardly Wait actor na hindi pansinin ang kanyang 39-anyos na dating asawa.

“It has a happy ending,” aniya. “It wasn’t so sweet a year ago. It’s sweet now.”

“We grew up,” sambit ni Ambrey. “I don’t know, we needed that time, obviously we did. We were just a little bit… a little mixed up. It takes a long time to realize what’s important and figure out your own issues. I just think we’d been apart for so long and the love wasn’t going away?”