Sa ikalawang  pagkakataon, muli na namang dinakip a loob ng paaralan ang isang guro, matapos  kasuhan ito ng kanyang mga estudyante sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Si Lyn James, 62, teacher sa Music and Arts Physical Education (MAPE) at residente ng No. 4599 Chico Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod, ay nahaharap sa kasong three counts of RA 7610 (child abuse law), makaraang ihabla ng magulang ng mga estudyante.

Ayon kay Senior Insp. Arsenio Francisco, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police, dakong 3:15 noong Lunes ng hapon nang kanilang damputin si James sa Mapulang Lupa National High School sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 172 Judge Nancy Rivas Palmones.

Noong Oktubre 2014, unang dinakip si James sa loob ng Malinta National High School, matapos ireklamo ng dalawa nitong estudyante sa kasong child abuse.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinasabihan umano  nito ng masasakit na salita at pang-iinsulto ang kanyang mga estudyante lalo na ang isang mag-aaral niya  na ngongo at pilit pang pinababasa sa harap ng mga kaklase.

Lingid sa kaalaman ng guro, may tatlo pang estudyante ang direktang nagreklamo sa Women’s and Children Concerned Desk (WCCD)   laban kay James tulad ng nauna niyang kaso hanggang sa bumaba ang warrant of arrest. 

Aabot sa mahigit P200,000 ang piyansa  na inihain guro para sa kanyang pansamantalang paglaya.