Si Pangulong Benigno Aquino III lamang ang makapagbibigay-linaw sa mga katanungan sa Mamasapano kung ano ang naging partisipasyon niya sa nabanggit na insidente.
Ayon kay Senator Ferdinand Marcos Jr., ang tanging solusyon sa insidente ay ang pagsabi ng Pangulo kung ano ang naging papel niya sa operasyon na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) at 18 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at limang sibilyan.
“May access siya sa impormasyon ng police, may access siya sa impormasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at alam niya kung ano ang ginawa niya noong siya ay nasa Zamboanga. That would be the easiest way na maging maliwanag ang mga tinatanong ng lahat,” ayon kay Marcos.