SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang 36-anyos na babae na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ang nalunod sa isang ilog sa Purok 2, Barangay Timmaguab, Santa Ignacia, Tarlac, noong Lunes ng gabi.

Ayon kay PO3 Albert Guererro, ang biktimang si Janeth Estabillo, ng Barangay Magaspac, Gerona ay positibong kinilala ng ama niyang si Rodrigo Estabillo, 54, ng Malvar Street, Poblacion B, Camiling, Tarlac,

Dakong 11:45 ng gabi, nangingisda si Danny Dela Cruz, 21, ng Barangay Timmaguab, Santa Ignacia, hanggang madiskubre ang nakalutang na labi ni Janeth.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na