Inakusahan kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang administrasyong Aquino nang umano’y pagmamanipula sa isinasagawang imbestigasyon sa Kamara kaugnay sa madugong operasyon ng pulisya sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay UNA Interim President Toby Tiangco, noong nakaraang linggo na may mga indikasyon na ang mga importanteng resource person mula sa gabinete ay iniiwas sa pagtatanong, partikular sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Defense Secretary Voltaire Gazmin na humingi ng paumanhin dakong 12:00 ng tanghali dahil may pulong sila kay Pangulong Aquino bago pa man pahintulutan ang mga kongresista na makapagtanong sa dalawang opisyal.

Batay sa mga ulat, tinalakay ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang suspensiyon ng hearing nina Congressman Jeffrey Ferrer at Jim Hataman at sinabihan umano ang dalawa na paghintayin muna ang panel sa resulta ng imbestigasyon sa police board of inquiry bago ituloy ang pagdinig.

Suspendido ang pagdinig noong Lunes sa Kamara habang nakapagsagawa ang Senado ng dalawang executive session simula noong nakaraang linggo kaugnay sa insidente.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Ano ba ang tinatago ng Palasyo? Malinaw na merong nagmamaniobra galing Malacañang upang matigil na ang mga hearing at imbestigasyon sa kung ano talaga ang nangyari sa Mamasapano,” sabi ni Tiango.

Giit ni Tiangco, ang BOI mission ay iba sa trabaho ng Kamara.

Pinupuwersa, aniya, ng Malacañang ang Kamara na magpatupad ng indefinite suspension sa pagdinig at ito ay posibleng bahagi ng mas malaking plano upang mailihis ang atensiyon ng publiko ang Mamasapano carnage at maibaling ang sisi sa iba pang opisyal ng gobyerno.