SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Kumpetisyon sa negosyo at pagiging magkaribal sa pag-ibig ang mga anggulong sinisilip ngayon ng mga awtoridad sa pamamaslang sa isang may-ari ng videoke bar at kapatid nito sa Barangay Sto. Tomas ng lungsod na ito.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Manuel Hidalgo, hepe ng San Jose City Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga biktima na sina Danilo Mendoza Santos, 50, may-ari ng Pards’ videoke bar; at Ricarte Mendoza Santos, 58, tricycle driver, kapwa residente ng Zone 7, Bgy. Sto. Tomas, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang sa magkapatid.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado