KINUMPIRMA ni Lady Gaga ang kanyang pagpapakasal gamit ang kanyang Instagram account sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan na makikitang suot niya ang singsing na hugis puso na kanyang inilarawan at sinabi sa caption na, “He gave me his heart on Valentine’s Day, and I said YES!” pahayag niya.

Nakatakdang humarap sa altar si Gaga at ang aktor na si Taylor Kinney na nag-alok sa kanya ng kasal noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14, ayon sa US Weekly. Matapos yayain ni Kinney si Gaga, sila ay nagdiwang sa Joanne Tratttoria, ang restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Gaga sa Upper West Side ng Manhattan, ayon sa Times Herald-Record executive editor na si Barry Lewis.

Lumabas sa publiko si Gaga,28, noong Lunes, Pebrero 16, nang hindi pa handang ipakita nang personal ang kanyang singsing. Suot ang purple na coat, pinipilit itago ni Gaga ang kanyang singsing gamit ang kanyang kamay at damit.

Unang nagkakilala ang singer at kanyang fiancé noong 2011 sa set ng music video ni Gaga na You & I na kinunan sa Nebraska. Suot ni Gaga ang wedding gown ng kanyang ina sa isa sa mga tagpo sa racy video na pinangunahan ng Chicago Fire hunk na si Kinney. Makalipas ang ilang buwan, sila ay lumalabas na at naghiwalay noong Mayo 2012 at muling nagkabalikan ng sumunod na buwan.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Makalipas ang kanilang paghihiwalay noong 2012, lalong napamahal sa isa’t isa ang dalawa. Kamakailan lamang, sa isang panayam kay Howard Stern, inamin ni Gaga na magpapakasal siya kay Kinney kung sakaling mag-alok ito ng kasal sa kanya.

“He is the right guy,” pag-amin ni Gaga. “How do we know? It’s this feeling...”

Si Kinney naman ay madalas na bukambibig si Gaga at inamin na tinutulungan siya nito upang maging mas mabuting tao. “[She] is someone who’s always in your corner, that believes in you and your work, and vice versa,” pagkukuwento ng Other Woman actor. “You know, I love what she does and her work and music and charity. She inspires so many people including myself.”

Sa magiging kasal nila, sinabi ni Gaga na: “If I get married, I’ll be hanging out in a pickup truck at a David’s Bridal while my stylist is screaming at me.”